Latest From Google

Loading...

Saturday, October 5, 2013

Bakit Ako Malungkot?

Naranasan ko na 'to dati e, yung bigla-bigla nalang malulungkot ng walang dahilan, yung parang kahit na anong magandang pangyayari ang bumulaga sa akin wala pa ring epekto. Bakit palagi nalang ganito? Bakit lagi ko nalang 'to nararamdaman? Bakit ba nalulungkot ako sa mga panahong dapat sana sobrang saya ko? Pakiramdam ko, 'di na ako sasaya. Pakiramdam ko, 'di na ako ngingiti. Ayaw ko ng ganito. Pero kusa siyang lumalabas. Kusang na sisira ang araw ko ng walang dahilan. Masakit kaya. Kahit na anong uri ng pagiging masaya, 'di umuobra. Narealize ko lang, lagi nalang ganito kapag alam kong may mawawala sa akin. Hindi ko alam kung ano o sino pero alam ko may mawawala. Nakakalungkot talaga. Nadedepressed ako ng walang dahilan. Anong klaseng pakiramdam 'to? Ganito ba ang pagiging bipolar? Ang gulo lang talaga. :-|

posted from Bloggeroid

No comments:

Post a Comment